Saturday, July 12, 2008

di na natuto

bakit lagi na lang ako naiinlab sa mga taong alam ko namang hindi ako mamahalin? case in point: Toby Corona. sya ang 1st crush ko sa med, naging ka-subsec, chum, at ngayon ka-duty sa medicine...

Pogi points nya: matalino, makisig, rockstar, mabait, gwapo, gentleman, sweet.
Turn-off points: atenista, conyo (ganun sya pinalaki e), hindi maka-pamilya, ayaw magka-anak, ayaw sa nagm-makeup, sa mahabang kuko, in short sa kikay.

we are worlds apart, i know. may mga panahong naiinis ako sa kanya. at alam kong minsan nababad-trip din sya sakin. pero natutuwa ako at hinahangaan nya ko kapag kausap ang mga patient. magaling daw ako kumuha ng history. at nam-mesmerize ako pag nagc-code sya. parang knight in shining armor. nice ass pa. alam ko namang hindi ako ang tipo nya. at tanggap ko namang may gusto syang iba. masaya ang duty kung minsan pag andyan sya. pero naiinis parin ako sa sarili ko dahil binibigyan ko ng kulay lahat ng mga ginagawa nya.

for the nth time pinky, tama na ang kahibangan, ang ilusyon, at ang pagiging bulag. alam mo kung saan ka lulugar. at hindi yon sa puso nya.